Philippines

Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa?

You are interested in Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa? right? So let's go together qule.info look forward to seeing this article right here!

 

Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa?

Taong 2014 nang si Paul Rosalie, 27-year-old, ay magplano na magpakain sa isang ahas. Ano kaya ang pakiramdam na malunok ng isang sawa? Una, hinanap muna ni Paul ang pinakamalaking lahi ng sawa, ito ay ang giant anaconda na kadalasang matatagpuan sa kagubatan ng Amazonia.

Kaya naman kaagad niya itong hinanap, subalit hindi din naging madali sa kaniya ang paghahanap dito dahil sa madami dito ang naninirahan na mga delikadong nilalang katulad ng mga nakakalasong tarantula at piligrong mga piranha. Dagdag pa ang mga daga na nakatira dito na masasabi na halos kasinglaki ng aso.

Nang mahanap niya ang uri ng ahas na ipapakain ang sarili na bumibigat ng higit na 200 kilo at may haba na mahigit na 24 feet o katumbas ng mahigit sa apat na tao na pinagdugtong dugtong.

Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa?

Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa?

Gumamit si Paul ng dugo ng baboy para siya ay gustuhing kainin ng ahas o maging amoy ng pagkain ng sawa. Kaya naman ito ay inilagay niya sa kaniyang special na suit.

Ang suit na ito ay ginawa ng mga engineer at mga tao na nag-aaral tungkol sa mga ahas para magawang buhayin si Paul kapag siya ay nililingkis o kinakain na siya ng ahas.

Ang nasabing suit ay mayroong ding oxygen sa loob nang sa gayon ay makahinga mula dito si Paul. Sa kaniyang ginawa, kaagad siyang naamoy ng ahas at nilingkisan siya nito. Habang nilulunok ang kaniyang ulo na may suot na helmet, handa din ang kaniyang mga rescue team kung sakali na magkaroon ng problema.

Makalipas ang ilang sandali ay bumilis ang heartbeat ni Paul at nag-report na ang braso niya ay mababali at mawawasak ang kaniyang special na suit. Nagsabi din siya na kailangan niya ng tulong. Kaya agad na nagtakbuhan sa kaniyang pwesto ang kaniyang team para tulungan si Paul. Sa pangyayaring ito, ayon kay Paul, kung wala ang tulong mula sa kaniyang special na suit ay baka ilang minuto lamang ay nawasak na ang kaniyang ribs o buto sa dibdib.

Sa plano na pagpapalunok ni Paul sa ahas ay hindi siya nagtagumpay. Ang palabas na ito ay ikinover at mapapanood sa discovery channel.

Conclusion: So above is the Lalaki Na Nagplanong Magpakain Sa Sawa, Ano Kaƴa Ang Nangƴari? Paano Kung Kinain Ka Nga Ng Sawa? article. Hopefully with this article you can help you in life, always follow and read our good articles on the website: qule.info

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button