Education

Panoorin: Isko Moreno, ǥustonǥ isali si PRRD sa 2022 senatorial slate

You are interested in Panoorin: Isko Moreno, ǥustonǥ isali si PRRD sa 2022 senatorial slate right? So let's go together qule.info look forward to seeing this article right here!

Gusto isama ni presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga susuportahan niya sa pagkasenador sa 2022 sa ilalim ng kanyang ticket — sa kabila ng tensyon sa pagitan ng dalawa nitong mga nagdaang buwan.

Ngayong taon lang nang paringgan ni Digong ang isang Metro Manila mayor na “palahubad,” na gusto niya raw tanggalan ng karapangyarihang mamahagi ng lockdown ayuda, dahil sa “magulong” pagbabakuna laban sa COVID-19. Si Domagoso lang ang Metro Manila mayor na nagpapa-sexy noon dahil sa dati niyang karera sa showbiz.Sa kanyang pagbisita sa Lapu-Lapu City ngayong Lunes ay sinabi ni Moreno na si Duterte isa sa mga iboboto niya kung itutuloy nito ang pagtakbo niya bilang senador sa 2022.Naniniwala si Isko na pasok ang qualifications ng kasalukuyang pangulo sa senado.

“Bakit hindi? I think, well hindi natin pwedeng tawaran ‘yong kanyang kakayanan, he is a qualified candidate for the Senate, in fairness to him. Basta ito personal choice ko ha. In fairness to him, kami, for example, sa mga nagawa niya para sa Maynila, ‘yang Clark Airport,” paliwanag ni Moreno.

“Makikinabang dyan mga tiga Maynila din, kasi gumawa ‘yan ng Clark-Malolos-Tutuban train, nakita ko ‘yon when we were in Malolos, nakita ninyo ‘yong train, tagos ‘yon hanggang airport. So that’s for us. ‘Yong Skyway. Kumbaga sa dami ng ginawa ni Pangulong Duterte, siguro naman sa labing dalawang senador, hindi naman kalabisan na iboto natin siya bilang senador?” dagdag niya pa.

Kung sakaling mangyari ito ay magiging kasama ni Pangulong Duterte sila Samira Gutoc sa senatorial slate ng Aksyon Demokratiko na noon ay tumakbo rin sa oposisyon.

Matatandaan na biglang nagbago ang opinyon ni Moreno sa Pangulo matapos umatras si Sen. Christopher “Bong” Go sa kandidatura nito sa pagkapangulo.

Hindi pa malaman kung sino ang kandidato na susuportahan ng Pangulo.

Matatandaan na pinasaringan ni Duterte noon si Moreno at tinawag na “parang call boy”.

Hindi nama nagpatalo ang alkalde at binatikos din nito ang kasalukuyang administrasyon.

Conclusion: So above is the Panoorin: Isko Moreno, ǥustonǥ isali si PRRD sa 2022 senatorial slate article. Hopefully with this article you can help you in life, always follow and read our good articles on the website: qule.info

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button